Street Journal Multimedia Services

Maan Guico, kandidatong Mayor ng Urdaneta City

 

By Zaldy Comanda

URDANETA CITY, Pangasinan – Pormal na naghain din ng kandidatura sa pagka-Mayor ang maybahay ni Governor Ramon Guico,III, na si Maan Tuazon-Guico, sa ilalim ng Nacionalist People’s Coalision (NPC),noong Oktubre 2, sa hangarin maipagpatuloy ang kanyang tapat at aktibong serbisyo sa mga residente ng Urdaneta City.

Sa kabila ng pagiging Unang Ginang ng lalawigan ng Pangasinan, tapat na asawa at ina sa kanyang limang anak, ay kaakibat pa din ni Maan Tuazon-Guico, ay handa niya maglaan ng mahabang oras na serbisyo para sa pagbabago ng siyudad.

Si Maan Tuazon- Guico ang butihing asawa ni Pangasinan’s 31st Governor, Ramon ‘Mon-Mon’ Velicaria Guico III.

Nagtapos siya ng degree ng Bachelor of Science in Business Administration na may major in Computer Applications sa Dela Salle University, College of Saint Benilde.

Bilang asawa ng Gobernador, ibinuhos ni Maan ang kanyang mga bakanteng oras para palawakin ang programa ng kanilang mag-asawa ang GUICOsina Meals on Wheels, na naghahatid ng masarap at mainit na pagkain sa mga kababayan, lalong-lalo sa mga iba’t ibang paaralan sa siyudad.

Target din nito na mabigyan ng pansin at matugunan ang pangangailangan sa larangan ng Kalusugan ng bawat mamamayan.

“Napakahalaga na mapangalagaan natin ang kalusugan ng ating mga kababayan, mula sa matanda hanggang sa bata,dahil sila ay umaasa sa ating mga tulong. Isa ito sa pagtutuunan ko ng atensyon.”

Sa kanyang malawak na karanasan sa iba’t ibang larangan ng marangal na pagpupunyagi, pangunahin sa mga serbisyo sa komunidad, nanatiling tagapagtaguyod ang First Lady para sa mga aktibidad na sosyo-ekonomiko batay sa kanyang matatag na paniniwala na walang hangganan ang serbisyo publiko.

Noon pa man ay palagi siyang aktibo sa serbisyo publiko, naglilingkod sa iba’t ibang mga kapasidad, tulad ng: First Spouses League of Pangasinan—Chairperson/Founder; Pinablin Pangasinan Rural Improvement Club Inc.—Honorary Chairperson; WCC Flight Attendant School—Diretso; Congressional Spouses Foundation Inc. (CSFI)—Dating Kinatawan ng Rehiyon 1; PR/Communications/Logistics Head ni Gobernador Ramon V. Guico III; Special Consultant/Head of Special and Major Events of the Province of Pangasinan; Pinuno ng Iba’t ibang Socio-Economic Activities ng Lalawigan ng Pangasinan, at iba pa.

Dahil dito, nagkaroon siya ng malaking epekto sa buhay ng mga taong nahawakan niya sa loob at labas ng Pangasinan sa pamamagitan ng mga gawaing makataong tulad ng pagtugon sa kalamidad sa mga biktima ng sunog at baha, Community and Welfare Services “Serbisyo Caravan,” at iba pang maka-mamamayan at mga pro-life program.

 

 

Scroll to Top