Naghahanda na si Andrea D. Santos, isang youth with disability (YWD) mula sa Alaminos, City, Pangasinan para sa 2025 Global IT Challenge for Youth with Disabilities sa South Korea sa darating na Oktubre.
Ito na ang ikatlong magkakasunod na taon na may Pangasinenseng lalahok sa nasabing international competition.
Nitong nakaraang buwan, buong husay na ipinamalas ni Andrea D. Santos ang galing sa larangan ng information technology sa National Information Science and Technology Challenge (NISTC) sa Binondo, Manila.Dahil dito, isa siya sa mga kasama sa delegasyon ng Pilipinas na lalahok sa 2025 Global IT Challenge for Youth with Disabilities sa South Korea.
Buo ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Gov. Ramon V. Guico III sa mga persons with disability sa tulong ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Persons with Disability Affairs Office (PDAO). (Eira Gorospe | PIMRO, photo courtesy by PDAO)


