Street Journal Multimedia Services

JCI nakahanda na para sa 2024 The Outstanding Young Men of the Philippines

By Zaldy Comanda

 

BAGUIO CITY- Handang-handa na ang Junior Chamber International Philippines (JCI Phl) para sa The Outstanding Young Men (TOYM) ng bansa para sa taong ito.

Sa temang ‘Leading with Excellence, Serving with Purpose’ ang JCI ay naghahanap ngayon ng mga honoree para sa kanilang 65th The Outstanding Young Men (TOYM) 2024.

Ang prestihiyosong parangal na ito ay kumikilala sa mga Pilipinong may edad sa pagitan ng 18 at 40 para sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa kanilang larangan o komunidad.

Sinabi ni JCI Senator Alfredo ‘Jun’ Mondiguing Jr.,national chairperson 2024 TOYM Awards, na ang JCI ay bukas sa paghahanap ng mga nominees para sa makasaysayang awarding na ito na magaganap sa Nobyembre 2024.

‘Sa loob ng 65 taon, kinilala at pinarangalan ng TOYM Phl ang mga natatanging kabataang Pilipino na ang kahusayan sa kanilang larangan at puso sa paglilingkod sa ating mga komunidad ay may malaking kontribusyon sa ating bansa,’ sabi ni Mondiguing.

Ayon kay Mondiguing, mayroong 11 kategorya ay pagpipilian para sa gustong mag nominate  sa tao na inaakala nilang karapat-dapat na nabigyan ng parangal.

Kinabibilangan ito ng Humanitarian Service & Social Work; Arts & Culture; Pure Sciences & Mathematics; Engineering,Agriculture & Other Applied Sciences; Education; Medicine & Other Health Science & Services; Law;Public Service & Civic Work; Business & Economics; Sports; and Journalism & Mass Communications.

Ipinaliwanag din ni Mondiguing na mayroong limang hakbang sa proseso ng nominasyon upang maisama ang lokal na organisasyon ng JCI Phl bilang nominator ng isang nominado.

Aniya nagsimula na ang submission of nominations noong Hunyo at magtatapos hanggang Setyembre 16, samantalang ang screening, judging, at Selection ay magsisimula sa Setyembre 16 hanggang Oktubre 31 at ang

Presentation of Honorees,Gala Dinner at awarding ay sa Nobyembre.

Para sa rekord, ang Baguio City -Summer Capital of the Philippines ang lugar ng JCI’s 11th National Convention na itinatag ng TOYM noong Oktubre 15,1959.

Ako ay nasasabik na ipahayag ang pagsisimula ng paghahanap para sa 2024 TOYM ng Pilipinas, na may temang ‘Namumuno nang May Kahusayan, Naglilingkod nang May Layunin,’ sabi ng abogadong si Mark Peter Quilaneta.

Para sa award ngayong taon, kasama ang Royal Duty Free, Metro Pacific Investments bilang mga presenter.

Scroll to Top