TUGUEGARAO CITY, Philippines — Muling nagbigay ng karangalan sa Tuguegarao City, Cagayan, ang pitong taong gulang na si Haliya Catarina Flores Guzman matapos magwagi ng Gold Award sa Final Round ng Thailand International Math Olympiad (TIMO) nitong Pebrero 7, 2026.
Si Guzman ang nag-iisang pambato ng lungsod at ng probinsiya sa naturang kompetisyon. Umabot sa 1,290 kalahok mula sa iba’t ibang bansa ang dumaan sa Heat Round kung saan pumangalawa si Guzman.
Ito na ang ikalawang sunod na taon na nagkamit siya ng Gold Award sa naturang international math competition, matapos din siyang magwagi noong 2025.
Sa tulong ng kaniyang lola na si dating Provincial EngineerBasilia Baccay Flores at ng kaniyang mga magulang, naging masigasig si Haliya sa paghahanda para sa patimpalak.
Sa murang edad, patuloy niyang pinatutunayan ang kahusayan ng batang Cagayano sa larangan ng matematika sa pandaigdigang entablado. (Mae Amarles)


