Kasabay ang paggagawad kay Governor Doktotra Helen Tan bilang Lieutenant Colonel ng AFP Reserved Force, ginanap rin ang activation ng Quezon Provincial Cyber Response Team (QPCRT) and Signing of Deed of Donation, na ginanap sa Camp BGen Guillermo P Nakar, Lucena City, noong Pebrero 18.
Sa kasalukuyang panahon ang cyberscam ay lumalaganap na krimen, gumagamit ito ng teknolohiya upang makakuha ng pera o impormasyon mula sa mga tao.
Madalas na ginagamit ng mga scammer ang email, social media, at mga pekeng websites upang magmukhang lehitimo at magpanggap bilang isang kumpanya o tao na may magandang layunin.
Sa patuloy na pagdami ng mga online na scammer, naalarma ang mga kapulisan sa dumaraming kirmen sa Lalawigan ng Quezon, dahil dito minabuti ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Tan na pagkalooban ang mga kapulisan ng mga laptop, printer at computer na makakatulong para sa mas mabilis na pagtuklas ang mga kriminal online.
Kasabay nito pormal na ring binasbasan ang bagong rehabilitasyon ng Detective Office sa pangunguna ni Command Chaplain, SOLCOM Rev Fr (MAR) Joseph Jim M Camargo, hangad ng Pamahalaang Panlalawigan na magkaroon ng kamalayan ang mga Quezonian sa cyberscam upang hindi malinlang ng ibang tao.
Samantala, tuloy-tuloy ang pakikipagbalikatan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagtupad ng tungkulin sa pangkapayapaan at seguridad ng buong Lalawigan ng Quezon.