By Zaldy Comanda
BAGUIO CITY – Patuloy na pinangangalagaan ng Baguio Tourism Council sa pangunguna ni Gladys Vergara ang kalusugan ng bawat katandaan sa pamamagitan ng muling pagsasagawa ng free medical services sa ilalim ng Goodhearted Volunteers Medical Mission, na ginanap sa Seniors Citizen Affairs Office,Salud Mitra Barangay, mula alas 8:00 ng hanggang alas 12:00 ng tanghali, noong Marso 9.
“Hindi namin expected na dadagsa ang ating mga senior citizens na nangangailangan ng medical service para sa kanilang kalusugan. Labis akong nagpapasalamat sa ating mga specialist
medical volunteers, na naglaan ng kanilang oras at serbisyo para sa ating mga elderly,” pahayag ni Vergara.
Ang Free Medical Mission for Senior Citizens ay inorganisa ng city government at ng BTC sa tulong mga partners at sponsor mula sa Baguio Everlasting Lions Club, Zonta Club of Baguio, Baguio Medical Center, Unilab, Diabetes Philippines Baguio-Benguet Chapter, Natrapharm Philippines Inc., Abbott Nutrition, Dr. Dwight and Sofia Black, Pines Association of Nursing Attendants and Caregivers,Inc., Office of the Seniors Association of Baguio, Dr. Rey Leung, Dr.Brenda Leung and Fernando Tiong.
Ang medical services na ipinagkaloob sa may mahigit 500 senior citizens ay ang Eye Check-Up; Eye glasses; Diabetes screening; Diabetes medicine; Blood Pressure monitoring; Hypertensive medicines; General Check-up at Well-being Assessment.
May mga libreng gamot dinsa mga nagpa-check up at free eye glasses, samantalang habang nakapila at nag-aantay sa kanilang check-up, ang mga seniors ay pinagkalooban ng libreng snacks at inumin.
“ Siguro kaya rin dumagsa ang mga seniors, lalong-lalo na yoong may karamdaman ay dahil may mga best doctors tayo, gaya ni ni Dr. Dwight Black, na diabetes specialist. Marami din ang nagpacheck-up sa mata, mula sa mga bihasang doktor volunteer ng Everlasting Lions Club, na kinakailangang suriing mabuti ang pasyente, bago bigyan ng eyeglass.”
Ayon kay Vergara, labis ang kanyang saya na makita ang mga senior citizens na hindi alintana ang pagod na makamit lamang ang kanilang hangad na magpasuri ng libre ng kanilang kalusugan. “Hopefully ay makagawa pa kami ng isang malaking medical mission para sa mga kababayan natin na nangangailangan ng medical services.”
“ Labis ang aking pasasalamat, ang medical mission na ito ay hindi matatawaran sa aming mga senior na nangangailangan ng atensyon sa aming kalusugan mula sa mga kinauukulan. Maraming salamat kay Gladys Vergara at mga medical volunteer sa kanilang taus-pusong pagtulong sa amin,” pahayag ng isang babaeng senior citizen.