Street Journal Multimedia Services

Digitalization program isusulong sa Albay

Legazpi City, Philippines — Isinusulong ngayon sa Pamahalaang Lokal ng Albay ang panukalang pagtatatag ng isang Information Technology (IT) Division bilang bahagi ng layuning digitalisasyon ng mga government transaction.

Iminungkahi ito sa ginanap na Provincial Development Council (PDC) Full Council Meeting kahapon sa Old SPA Session Hall ng Albay Capitol.

Dagdag pa dito na suportado ni Albay Gov. Noel Rosal ang nasabing suhestiyon, at binigyang-diin niya na mahalagang magkaroon ng isang yunit na tututok sa digitalization initiative upang mapabilis ang mga proseso, mapaigting ang cybersecurity, at maipatupad ang mas episyenteng data management at online public services.

Makatutulong ang pagkakaroon ng IT Division upang magkaroon ng sentralisadong pangangasiwa sa mga computer systems, networks, at iba pang digital infrastructure ng mga tanggapan.,

Inaasahang tatalakayin sa mga susunod na pagpupulong ang mga kinakailangang hakbang para sa itatayong IT Division. (LGuazon, Albay PIO)

Scroll to Top