Sa loob ng animnaput dalawang taong operasyon ng Western Pangasinan District Hospital, sa ilalim ng pamumuno ni Governor RamonV.Guico III natupad ang pangarap na magkaroon ito ng Dialysis Center.
Noong Lunes, Enero 20, opisyal nang nag-operate ang 15 seater Dialysis Center.
“Ang lapit na lang. Dati, dalawang oras ang byahe ko mula Bani papuntang PPH sa San Carlos City. Pero ngayon, minuto na lang.
Napakalaking tulong po nito sa aming mga nagda-dialysis. Maraming salamat kay Governor Mon-Mon Guico,” ito ang pahayag ni Descebelle Ordonez, isang dialysis patient.
Bukod sa mas malapit, ang pinakamagandang balita ay libre ang dialysis treatment sa WPDH. Pangangalaga sa kalusugan ng bawat Pangasinense ang isa sa mga prayoridad na programa ni Governor Guico. ( Rich Majin, JP de Vera| PIMRO)