Sa pangunguna ni Governor Doktora Helen Tan, matagumpay na naisagawa ang pormal na pagbabasbas ng bagong Patrol Boat para sa islang bayan ng Perez, Quezon, Nobyembre 7.
Ang nasabing 40-footer patrol boat ay malaking tulong upang masugpo ang iligal na pangingisda sa isla sapagkat siniguradong mabilis ito na mayroong 3 makina (Triple 150 Hp, 4 Stroke) at kayang tumakbo ng hanggang 55 knots per hour.
Samantala, nakasama naman sa ginanap na seremonya upang ipaabot ang kanilang pagsuporta sina 4th District Congressman Atorni Mike Tan at Mayor Charizze Marie Escalona.