By Zaldy Comanda
LA TRINIDAD,Benguet — Naghain na ng Certificate of Candidacy si Benguet Congressman Eric Yap para sa kanyang re-election bid, kasama nito ang kanyang mga grupo sa iba’t ibang posisyon sa lalawigan.
Sa ikatlong termino ay hangad din ni Governor Melchor Diclas, na matapos ang kanyang termino,samantalang ang No.1 Board Member na si Mary Rose Fongwan-Kepes, ay kandidato bilang Vice Governor.
Si La Trinidad Mayor Romeo Salda na nagtapos sa termino ay kandidatong provincial board ng District 2, kabilang si Tublay Mayor Armando Lauro; Buguias Mayor Ruben Tindaan; Manny Fermin,Frenzel Ayong; Neptali Camsol, samatalang sa District 1 ay sina re-electionist naman si Joannes Amuesen; Lady Charmaine Molintas Likigan.
Ayon kay Yap, kung mabibigyan siya ng muling pagkakataon ay nais niyang ipagpatuloy na matapos ang kanyang mga development projects para sa lalawigan na gaya ng Benguet Convention Center, ang Pilando Bridge, Itogon Municipal Hall na na kasalukuyang ginagawa na may pondong P80 milyon at masisimulang ang phase 2 sa 2026; Mankayan Market na may pondong P100 milyon para sa phase 1 at ang phase 2 ay sa 2026 at mga inter-connecting road sa karatig-lalawigan.