
BASILAN, Philippines — Nagkaisa ang mga Basileño para sa kalinisan ng kapaligiran sa isang tourist destination sa Basilan.
Sa Malamawi Beach sa Isabela City, pinangunahan ng Provincial Government of Basilan ang coastal clean-up drive kasama ang LGU ng Isabela at iba’t ibang barangay volunteers.
Nanguna sa cleanup efforts si Gov. Mujiv Hataman, Isabela City Mayor Dadah Turabin-Hataman at si BM Amin Hataman, katuwang sina CENRO Isabela City Chief Albino Orbecido at ang mga aktibong Solid Waste Management focals ng CGSO na nagsilbing gabay para sa mga empleyado ng kapitolyo.
Sama-samang naglinis ang mga empleyado at mga residente mula sa walong barangay, bawat isa may tatlong team na nagtulong-tulong sa pangongolekta ng basura.
Sa mga ganitong pagkakataon ipinapakita ng mga Basileño na ang malasakit sa kalikasan ay hindi lang responsibilidad ng iilan, kundi ng buong komunidad.


