Street Journal Multimedia Services

Ang mukha sa likod ng tagumpay ng turismo sa Balbalan

Kwento n Regine Faye Munda Cruz

 

KALINGA, Philippines — Kung dati ay nakikita lamang sa ibang lugar ang mga kilalang tourist and caving destinations, ngayon ay mayroon na rin sa Balbalan, ang Tawang Caves, Balbalasang Eco-Park, at kung anu-ano pa.

Isa itong malinaw na patunay ng dedikasyon at pagsisikap ng Tourism Officer ng bayan, si Regine Faye D. Munda Cruz.

Simula pa noong 2017, nasilayan ng marami ang kanyang pag-unlad bilang isang empleyado ng lokal na pamahalaan. Espesyal din ang ulat na ito, dahil naksalamuha ko siya simula pa noon. Nasaksihan ko ang kanyang pagsimula, hanggang ngayon na nakikita ko siya sa tuwing may mga karangalan na natatanggap ang Balbalan.

Mula sa pagiging casual worker, hanggang sa pagkatalaga bilang unang permanenteng Tourism Operations Officer II ng LGU Balbalan, hindi matatawaran ang kanyang naging ambag. Sa likod ng mga parangal na natanggap ng Balbalan dahil sa turismo, tahimik ngunit matatag ang kanyang papel, siya ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng makabuluhang pagbabago sa sektor ng turismo ng bayan.

๐€๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐š๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š

Hindi sa eskwela o training natutunan ni Regine ang tunay na diwa ng serbisyo publiko, kundi mula mismo sa kanyang ina, na isang doktor na naglingkod hindi lamang sa pamamagitan ng medisina kundi ng malasakit.

Ang halimbawa ng kanyang ina ang naging gabay ni Regine sa pagtahak ng landas ng pagiging isang lingkod bayan.

Nang siya ay italaga bilang unang Tourism Officer ng Balbalan, halos wala pang malinaw na estruktura, plano, o direksyon para sa turismo. Kinailangan niyang magsimula mula sa wala, maglatag ng pundasyon, at buuin ang opisina ng Turismo, Kultura, at Sining. Hindi naging madali ang lahat; dumaan siya sa pagsubok, pagtutol, at pagdududa ng ilan. Ngunit sa kanyang determinasyon, lakas ng loob, at pananampalataya, unti-unti niyang naitatag ang posisyon ng turismo sa Balbalan.

๐“๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐Š๐จ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐๐š๐

Naniniwala si Regine na ang turismo ay hindi lamang para sa turista, kundi higit sa lahat ay para sa mga tao sa komunidad. Dahil dito, kanyang pinasimulan ang quarterly dialogues kasama ang mga stakeholders, isang plataporma upang maiparating ng mga lokal ang kanilang hinaing, suhestiyon, at obserbasyon.

Ang ganitong sistemang pakikilahok ang nagpatibay sa ugnayan ng pamahalaan at komunidad, at nagsigurong ang turismo sa Balbalan ay magiging inclusive at sustainable.

Isang kongkretong bunga nito ay ang Tawang Caves. Noong 2019, itoโ€™y pangarap lamang, ngunit sa pamamagitan ng tamang pagpaplano at suporta mula sa lokal na pamahalaan at mga residente, ngayon ay dinarayo na ito ng mga turista. Higit pa sa atraksyon, nagbigay ito ng bagong kabuhayan para sa mga residente, isang tagumpay na nagpatibay sa paniniwalang ang turismo ay para sa lahat.

๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐ฐ๐š๐ซ๐š๐ง๐  ๐‹๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐ ๐๐š๐ฒ๐š๐ง๐ข

Hindi maikakaila na si Regine ay hindi lamang isang epektibong Tourism Officer kundi isang huwarang lingkod bayan. Pinagsasama niya ang talino, ganda, tapang at mabuting kalooban, mga katangiang bihira nang matagpuan sa panahon ngayon.

Para sa kanya, ang serbisyo publiko ay hindi basta trabaho na may katumbas na sahod.

Ito ay isang panata ng paglilingkod na nangangailangan ng integridad, kababaang-loob, at pusong handang mag-alay para sa kapwa. Sa kanyang pamumuno, hinahamon niya ang kanyang mga kasamahan na lumago, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga tungkuling magpapatatag ng kanilang kakayahan. Naniniwala siya na ang totoong paglago ay nangyayari kapag ang tao ay pinagkakatiwalaan na gumawa ng higit pa sa kanyang inaakala.

๐๐š๐ง๐ ๐š๐ซ๐š๐ฉ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ

Sa kanyang pananaw, ang tunay na halaga ng isang lingkod bayan ay hindi nasusukat sa posisyon kundi sa sinseridad ng kanyang serbisyo. Pangarap ni Regine ang isang pamahalaang malinis, tapat, at walang pansariling interes, isang gobyernong ang tunay na puhunan ay malasakit sa tao.

Ngayon, tuwing may nakikitang turista sa Tawang Caves, Balbalasang Eco-park o tuwing nabibigyan ng parangal ang bayan ng Balbalan, isang bagay ang tiyak: sa likod nito ay may isang lingkod bayan na buong puso at tahimik na nagsusumikap, si Regine Faye Munda Cruz, isang Lingkod Bayani ng Balbalan. Ipagpatuloy mo lang Maam Reg, marami ang umaasa at nakaabang sa lahat ng iyong kayang gawin.

Scroll to Top