By KJAbad- Albay PIO
LEGASPI CITY – Naipaabot na ng Pamahalaang Lokal ng Albay sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang tulong-pinansyal sa mga kaanak ng mga nasawi sa pananalasa ni Bagyong Kristine sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay Acting Governor Baby Glenda Ong-Bongao, personal na naibigay ni PSWDO Head Ma. Vivien A. Cea ang tig-P10, 000.00 na tulong sa mga kaanak nito.
Ang nasabing halaga ay mula ibinigay na pamahalaang pambansa na pangunguna ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Matatandaan na pito ang naitalang nasawi sa hagupit ni bagyong Kristine sa Albay.


