Street Journal Multimedia Services

Mayor Lee, agad na umaksyon sa isang ‘Elderly in Crisis’

BAUANG, La Union — Isang 66 taong gulang na residente ng Barangay Pagdalagan Sur, na si Ginoong Reynaldo Concha, ang agad na tinulungan ng Pamahalaang Bayan ng Bauang sa pangunguna ni Mayor Ma. Clarissa “Manang Bong” T. Lee, noong Hulyo 8, 2025.

Katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na pinamumunuan ni Ms. Arlie R. Alonzo, LSWDO, matapos siyang matukoy bilang isang elderly in crisis.

Personal na bumisita si Mayor Lee at nag-abot ng tulong mula sa kanyang sariling inisyatiba—kabilang ang mga damit, kumot, at hygiene kit—upang matugunan ang agarang pangangailangan ni Ginoong Concha.

Pansamantala siyang mananatili ngayon sa Crisis Center/Halfway Home habang inaasikaso ang kanyang paglipat sa isang Home for the Elderly, kung saan mas matutugunan ang kanyang kalagayan at pangangalaga.

Kasama sa pagbisita sina G. Wilson Samuel C. Caluza, Executive Assistant II/Administrator for Operations at Dra. Charis Keith mula sa RHU, at ang mga opisyal ng Barangay Pagdalagan Sur.

Ang hakbanging ito ay patunay ng malasakit, maagap na aksyon, at dedikasyon ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lee.

 

 

 

 

Scroll to Top