Street Journal Multimedia Services

Dalawang katao, huli sa aktong “vote buying” sa Cagayan

ALLACAPAN,Cagayan — Iniulat ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) ang pagkakaaresto ng dalawang lalaking sangkot umano sa pagbili ng boto sa Barangay Tamboli, Allacapan, Cagayan.

Ang mga hindi pinangalanang suspek ay kapwa residente sa bayan ng Allacapan, may edad 45 at 52, at kapwa may asawa.

Iniulat ng CPPO, na ang matagumpay na pagkakadakip sa mga suspek ay sa pamamagitan ng citizen’s arrest kung saan habang ginagawa ng mga ito ang aktong pagbili ng boto ay agad silang hinuli at tinurn-over ni alyas Jong, isang residente ng nasabing lugar sa mga tauhan ng Allacapan Police Station at sa pakikipag-ugnayan kay Election Officer Maria Rosario T. Catral.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang body bag, pera na nagkakagalaga ng 100,000 na may iba’t ibang denominasyon, listahan ng mga pangalan mula sa Brgy. Pacac at Tambol, sample ballot na may nakadikit na campaign pamphlet, isa pang campaign pamphlet ng ibang kandidato, dalawang cellphone, at dalawang ballpen.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulisya ang mga nahuling suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.(Cagayan PIO)

Scroll to Top