By Danny Estacio
PAGBILAO, Quezon— May 15 iskolar sa kolehiyo mula sa bayang ito na kumukuha ng kursong Accountancy and Engineering sa Southern Luzon State University (SLSU) ang pinagkalooban ng Therma Luzon, Inc. (TLI), isang subsidiary of Aboitiz Power Corporation (AboitizPower), kasama ang Aboitiz Foundation, Inc. (AFI), ng pinansyal na suporta.
Sa pamamagitan ng 2026 College Scholarship Program, ang TLI ang patuloy sa pagsisikap upang makatulong sa paglinang ng potensyal ng mga mag-aaral mula sa Pagbilao. Bukod sa tulong pinansyal, layunin din nito na mabigyan ang mga iskolar ng iba pang pagkakataong matuto, mapaunlad ang kanilang kasanayan, at magkaroon ng mas malawak na kaalaman tungkol sa industriya bilang paghahanda sa kanilang karera sa hinaharap.
Ayon kay TLI Assistant Vice President for Corporate Services Lou Jason Deligencia na ang Aboitiz Scholarship Program ay sumasalamin sa paniniwala ng kumpanya sa kahalagahan ng pagpapaunlad ng kakayahan ng mga tao sa pamamagitan ng pag-uugnay ng mga natututunan sa paaralan sa mga pangangailangan ng industriya.
“Ang scholarship program na ito ay isa sa mga paraan upang magampanan namin ang aming responsibilidad bilang isang power company na magbigay-pabalik sa komunidad. Noon pa man, naniniwala na kami na ang greatest asset ng aming kumpanya ay hindi ang planta o mga equipment, kundi ang mga taong nasa likod ng aming operasyon,” ayon kay Deligencia.