Camp Colonel Juan Q. Miranda, Camarines Sur — Nagsagawa ang Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), sa pamumuno ni PCOL Virgilio O Olalia, Jr, Provincial Director, ng Family,Juvenile and Gender Affairs Development (FJGAD), mula sa isang Community Outreach Program sa Barangay Sto. Domingo, Iriga City noong Marso 20.
Pinangunahan ni PCPT Joan S. Jacob, Chief ng FJGAD, kasama sina PLTCOL Jeric Don P. Sadia, COP ng Iriga CPS, at mga personnel mula sa PCAD/FJGAD, Iriga CPS, at 4th District ang naturang aktibidad.
Isinagawa ang outreach program para sa Inorogan Tribe bilang bahagi ng pagdiriwang ng 2026 National Women’s Month Celebration.
Tampok sa programa ang pagbibigay ng mga lektura hinggil sa gender equality at women empowerment, mga mensahe mula sa mga lokal na opisyal at kapulisan, gayundin ang pamamahagi ng mga damit, grocery items, at feeding program para sa mga benepisyaryo.
Layunin ng aktibidad na patibayin ang ugnayan ng kapulisan at komunidad, palaganapin ang kamalayan ukol sa karapatan ng kababaihan at gender equality, at maghatid ng suporta sa mga katutubong pamayanan.
Binigyang-diin din nito ang kahalagahan ng pagkakaisa, kooperasyon, at pagtitiwala sa pagitan ng pulisya at ng Inorogan Tribe.
Ayon kay Olalia, “Ang ganitong mga programa ay sumasalamin sa malasakit ng kapulisan sa komunidad. Patuloy nating isusulong ang karapatan at kapakanan ng kababaihan habang pinatitibay ang tiwala at pakikipag-ugnayan sa ating mga kababayan, lalo na sa mga katutubong grupo.”


