Street Journal Multimedia Services

3,551 beneficiaries tumanggap ng libreng gamutan sa Quezon

 

Dala ang hangaring makapaghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mga Quezonian, matagumpay na naisagawa ang “Kalinga sa Mamamayan, Libreng Gamutan” o Medical Mission sa Brgy. Dinahican, Infanta, Quezon, noong Marso 6.

Sa inisyatibong ito ni Governor Doktora Helen Tan, umabot sa 3,551 na indibidwal ang nahandugan ng serbisyo medikal sa nasabing bayan. Naging katuwang ng Pamahalaang Panlalawigan sina Vice-Governor Third Alcala, Board Member Julius Luces, mga Private Doctors, at iba’t ibang espesyalista na mula pa sa loob at labas ng Quezon.

Ilan sa serbisyong naibigay sa mga benepisyaryo ay ang Medical Consultation, Dental Extraction, Minor Surgery, FBS, Laboratory, Ultrasound, at ECG. Handog din ang bagong idinagdag na optical service kung saan may konsultasyon sa mata at libreng salamin para sa mga higit na nangangailangan.

Kasama ring naghandog ng serbisyo ang Office of the Provincial Veterinarian, kung saan may 188 na benepisyaryo ang nakinabang sa libreng konsultasyon at bakuna sa anti-rabies.

Samantala, asahang hindi titigil ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay ng libreng serbisyo na tiyak na mapapakinabangan ng lahat ng mamamayan sa Quezon.

Scroll to Top