Street Journal Multimedia Services

3 metric-tons mahigpit na ipinapatupad pagdaan sa San Juanico bridge

Mahigpit na ipinapatupad ngayon ng Department of Public Works and Highwat at iba pang mga law enforcement agencies ang three metric- tons vehicle weight limit  sa pagdaan sa San Juanico Bridge sa Samar, dahil sa natukoy na ‘structural vulnerabilities’ sa ilang bahagi ng tulay.

Light vehicles lamang ang pinahihintulutang tumawid, na may kabuuang bigat na hindi lalampas sa 3 Metric-Tons.

Bagamat hindi sakop ng jurisdiction ng Tacloban City ang pamamahala at maintenance sa San Juanico Bridge, aktibong nakikiisa rin ang ilang concerned departments sa pagpapanatili ng kaayusan sa trapiko at pag-alalay sa mga biyaherong naaabala ng kasalukuyang sitwasyon sa tulay.

Nasa area na ang CGSO para magtayo ng mga Assistance centers, kasama ang TOMECO at Tacloban City Police Office para tumulong sa daloy trapiko at pag-alalay sa mga stranded na byahero.

Ang lokal na pamahalaan ng Tacloban City, sa pamumuno ni Mayor Alfred Romualdez ay humihingi ng paumanhin at pag-unawa sa lahat ng mga kababayan na naabala.

Pinayuhan ang mga biyaher,lalong-lalo na ang mga trucking na limitahan ang kargada upang hindi maabala sa pagbibiyahe padaan ng San Juanico Bridge.

 

Scroll to Top