SAN MARCELINO,Zambales – Dalawangpu’t limang benepisaryo ng NegoKart ang nakikinabang ngayon sa kanilang pangkabuhayan, na ipinamahagi ng local na pamahalaan ng San Marcelino, Zambales.
Ang NegoKart ay personal na iinamahagi ni Mayor Elmer Soria, noong Hunyo 10, kasama sina SBM Apolinario Abelon, PESO Coordinator Maureen Ariem, PB Rizalino Ragadio, PESO staff, PESO Barangay Coordinators at Ms. Nikki Moreno ng MPDO na ginanap sa Barangay Burgos Covered Court.
Sa mensahe ni Mayor Soria, masaya niyang binabati ang mga benepisaryong tumanggap ng kanilang mga kariton.
Ang pagkakaloob ng NegoKarts ay magbibigay-daan sa pagkakaroon ng kabuhayan at pag-unlad ng ating komunidad.
Ang Nego-Kart ay isa sa mga Livelihood program , na ang layunin ay mabigyan ang mga manggagawa sa impormal na sektor ng pangmatagalang pangkabuhayan at matulungan silang umangat ang antas ng kanilang pamumuhay.
PHOTO CAPTION
Personal na ipinamahagi ni Mayor Elmer Soria, ang 25 benepisaryo ng NegoKart, na bahagi ng kanilang livelihood program para sa mga impormal sektor na matulungan silang umangat ang kanilang pamumuhay. Photo by PIO San Marcelino.