Street Journal Multimedia Services

160 empleyado ng kapitolyo sumailalim sa Mental Health seminar

CALAPAN CITY — Umabot sa 160 permanenteng empleyado ng Pamahalaang Palalawigan ang sumailalim sa dalawang araw na Mental Health: Emotional Intelligence and Positive Psychology Seminar na ginanap noong Marso 27 at 28 sa Vencio’s Garden Resort and Hotel sa Calapan City.

Ayon kay Provincial Human Resource Management (PHRM) Officer Anna Marie DC. Reyes, habang ang mga empleyado ay nahaharap sa mga personal at propesyunal na hamon sa kanilang buhay, mahalaga rin na maunawaan nila at maangkupan ang kanilang emosyon pati na ng kanilang mga kasamahan sa trabaho. Dito pumapasok ang pagtataguyod ng emotional intelligence at positive psychology na makatutulong ng malaki sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Naging facilitator ng naturang seminar si Dr. Gladiola A. Eje-Dimaculangan na Director ng Counselling at Psychological Wellness Center at Program Head ng Graduate School in Psychology and Counselling ng University of Batangas.

Isinusulong ng pamunuan ni Governor Humerlito “Bonz” Dolor ang adbokasiya ng Pamahalaang Nasyunal na pangalagaan ang mental health ng mga kawani ng pamahalaan.

Alinsunod na rin ito sa Republic Act No. 11036 o ang Mental Act of 2018 at sa Civil Service Commission Memorandum Circular No. 04 o ang Mental Health Program in the Public Sector.

Pinangasiwaan ang gawain ng Training, Education and Development Division na pinamumunuan ni Administrative Officer IV Angelica S. Eje ng PHRMO. (From PIO-Oriental Mindoro)

Scroll to Top