Kinumpirma ng Department of Health Region 02-Cagayan Valley Center for Health Development (DOH-CVCHD) ang pinakaunang kaso ng Monkeypox (mpox) sa lambak ng Cagayan.
Ayon sa DOH, naka-isolate na ang pasyente at kasalukuyang binibigyan ng atensyong medikal.
Hindi naman idinedetalye ng naturang tanggapan ang pagkakakilanlan ng naturang pasyente.
Kasalukuyan na rin nagsasagawa ang mga otoridad ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.
By CPIO