Street Journal Multimedia Services

Tree planting isinagawa sa Gumaca,Quezon

Kaisa ang Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa isinagawang pagpupulong ng Quezon Provincial Agriculture and Fisheries Council (PAFC) at Gumaca Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC) na ang pangunahing layunin ay bumuo ng isang resolusyon upang matugunan ang kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan, na ginanap sa bayan ng Gumaca, Quezon.

Tinalakay din dito ang isyu ng climate change o pagbabago ng klima kung saan kabilang sa presentasyon ang mahusay na sistema ng pagtatapon at paghihiwalay ng basura, na nagbigay-daan sa mungkahi para sa isang benchmarking activity ng grupo.

Tampok din Gender Equality at Social Inclusion kung saan nakapaloob dito ang iba’t ibang programang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan upang isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagsasama ng lahat sa lipunan.

Sinundan ang pagpupulong ng isang tree planting activity sa Brgy. Batong Dalig, Gumaca bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kalikasan.

Dumalo sa nasabing aktibidad sina Gng. Swendy B. Elejerio, Municipal Agriculturist at MAFC Coordinator; Gng. Liezel Mendoza; PAFC Chairperson Demosthenes Hernandez, at iba pang mga tagapangulo mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Ipinakilala ni G. Sherwin Kenneth P. Deloraya, PAFC-Quezon Coordinator, ang bagong PAFC Coordinator na si G. Nieves P. Sarte.

Samantala, nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta si Gov. Helen Tan sa pamamagitan ni G. Jericho Teng na naglahad din ng mga programa ng pamahalaang panlalawigan.

 

 

 

Scroll to Top