Street Journal Multimedia Services

Tree Growing Activity sa Pangasinan Eco Park

BUGALLON, Pangasinan — Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Arbor Day at National Disaster Resilience Month ngayong 2026, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng isang Tree Growing Activity sa Pangasinan Eco Park sa Barangay Cayanga, Bugallon.

Pinangunahan ni Provincial Administrator Manuel Luis, Jr., kasama ang mga department heads at empleyado ng kapitolyo, ang sama-samang pagtatanim ng nasa 500 seedlings ng narra, batino, guyabano, at kasoy.

Bahagi ito ng patuloy na Green Canopy Program sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Ramon V. Guico III, na may layuning gawing mas luntian at ligtas ang buong Pangasinan. (Eira Gorospe, Ervin Alcantara | PIMRO)

Scroll to Top