By Danny Estacio
PAGBILAO, Quezon— Kinilala ng Pagbilao local governmeny ang Therma Luzon, Inc. (TLI) sa pamamagitan ng pagpaparangal ng Special Award for Corporate Social Responsibility nitong ika-296 Araw ng Pagbilao at Papag at Bilao Festival.
Ang parangal ay bunga ng patuloy na pakikiisa ng TLI para sa pagpapaunlad ng Pagbilao, kabilang ang mga programang para sa kalusugan, edukasyon, kabuhayan, at pagpapaunlad ng komunidad, tulad ng Health on Wheels, Brigada Eskwela assistance, at Alon at Ani.
“Kaisa po ninyo kami sa hangaring lalo pang mapabuti ang kalidad ng buhay ng ating mga minamahal na Pagbilaoin,” ayon kay Aboitiz Power AVP for Corporate Services for South Luzon and Metro Manila Lou Jason Deligencia.
Sinabi ni Deligencia, patuloy na makikipagtulungan ang TLI sa munisipalidad ng Pagbilao at sa komunidad upang maisulong ang mga programang para sa makahulugan at pangmatagalang benepisyo sa mamamayan.
Sa parehong pagdiriwang, kinilala rin ang Pagbilao Energy Corporation (PEC), isang joint venture ng Aboitiz Power at Team Energy para sa Pagbilao Unit 3, sa kanilang pangunguna sa corporation category ng Top 10 Taxpayers para sa kasalukuyang taon.
Ang mga nasabing pagkilalang ay sumasalamin sa gampanin ng TLI at PEC bilang responsableng katuwang ng Pagbilao, sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga komunidad habang naghahatid ng maaasahang at responsableng kuryente.


