Street Journal Multimedia Services

Tayug LGU namahagi ng reflective vest sa TODA members

TAYUG Pangasinan – Personal na namahagi sina Mayor Tyrone Agabas at Vice Mayor Lorna Primicias ng mga reflective vest sa mga rehistrado at may permit na miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Tayug.

Ang pamamahagi ay isinagawa bilang tugon sa mga bagong regulasyon sa ilalim ng Provincial Ordinance No. 325-2024 na ipinatupad ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.

Ang Provincial Ordinance No. 325-2024 ay nagtatakda ng mga bagong panuntunan para sa kaligtasan ng mga motorista sa buong lalawigan. Isa sa mga pangunahing probisyon nito ay ang pagsusuot ng reflectorized vest ng mga rider at kanilang backrider, pati na rin ang paglalagay ng mga reflectorized sticker sa mga bike, motor at tricycle upang masiguro ang kanilang visibility mula 6:00 PM hanggang 6:00 AM.

Hindi galing sa pondo ng munisipyo ang ipinambili ng mga vest na ito, kundi mula sa sariling bulsa nina Mayor Agabas, Vice Mayor Primicias, at Congresswoman Marlyn Primicias-Agabas. Patunay ito ng kanilang malasakit sa kapakanan at kaligtasan ng mga tricycle drivers.

Kasama rin sa pamamahagi ng mga reflective vest sina Councilors Sam Manzano, Michael Dy, at Maritess Adloc, na nagpahayag ng kanilang suporta sa inisyatibang ito.

Scroll to Top