Kasabay ng isinagawang medical mission sa bayan ng General Luna, namahagi rin si Governor Doktora Helen Tan, katuwang ang Office of the Provincial Agriculturist, ng mga agricultural inputs bilang bahagi ng patuloy na suporta sa sektor ng agrikultura.
Tumanggap ang General Luna Coconut Farmers Federation ng tig-iisang set ng assorted vegetable seeds, fertilizer, tools at equipment, samantala, sampung sako ng organikong pataba, naman ang naibigay sa Vegetable-SIPag General Luna.
Asahan na sa gitna man ng pagbabago ng klima at patuloy na pagsubok sa sektor ng pagkain, tuloy-tuloy ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan upang matiyak ang seguridad sa pagkain at katatagan ng mga magsasaka sa lalawigan.


