Bukas na para sa mga pasyente ang mataas na antas ng teknolohiya sa Advanced Centers for Comprehensive Orthopedic Care and for Trauma & Burns Care sa bagong pasilidad ng DOH-Jose B. Lingad Memorial General Hospital, na nasa ilalim ng pamamahala ng DOH sa San Fernando City, Pampanga.
Naglalaman ang pasilidad ng state-of-the-art integrated operating room, na kumpleto at digital ang mga equipment. Makabago ang teknolohiya nito kung saan magkakasama ang iba’t ibang gamit sa isang surgical operating system na makatutulong sa pagsasagawa ng mga komplikadong operasyon gaya ng kritikal na kaso ng orthopedic at trauma emergencies.
Pinangunahan ni DOH Sec. Ted Herbosa ang pagbubukas ng specialty centers na ito na naglalayong masuri nang maayos ang mga pasyente at maibigay nang mabilis, ligtas, at tiyak ang medical procedures, gaya ng surgeries.
Gaya ng serbisyo sa ibang pampublikong ospital, libre ang basic accomodation sa mga kwarto, at makaaasang airconditioned at maaliwalas ito sa nasabing specialty centers.


