Street Journal Multimedia Services

Road Crash Injuries, tumaas ng 100% sa panahon holiday seasons

MANILA, Philippines – Naitala ng Department of Health ang pagtaas ng bilang kasong Road Crash Injuries na 1,384 o’ 100 porsiyento ang itinaas mula Disyembre 21 hanggang Enero 5, 2026, kumpara sa 690 kaso sa magkaparehong period noong nakaraang 2024 habang patawid ng 2025.

Panawagan ng DOH ang mas mahigpit na implementasyon ng mga batas trapiko dahil sa mataas na kaso ng road crash injuries na itinakbo sa mga sentinel hospitals ng DOH nitong holiday season.

Mula sa 647 o 47% sa kabuuang bilang ay kinasasangkutan ng kabataang edad 15-29 taon-gulang at sa magkakahiwalay na insidente ay 7 sa 10 nasawi habagng sakay ng motorsiklo, 6 dito ay walang helmet. 3 naman sa pedestrian ang nasawi.

Kaugnay nito, binisita ni DOH Secretary Ted Herbosa ang Philippine General Hospital, na bagama’t hindi sakop sa pangangasiwa ng departamento ay para tignan ang mga biktima ng RCI, matapos maitala ng PGH ang 82 biktima mula Disyembre 21 hanggang Enero 5.

Samantala, tinitiyak din ng PGH ang kanilang paghahanda sa darating na traslacion ng Poong Nazareno, na gaganapin sa Biyernes, Enero 9, lalo na’t nakataas ang Code White Alert sa lahat ng ospital sa Metro Manila.

 

 

 

Scroll to Top