By EDumlao, Albay PIO
LEGASPI CITY, Albay — Nakatakdang ganapin ang capacity building seminar para sa lahat ng Albay tourism stakeholders sa darating na Setyembre 27, 2024 sa Albay Farmer’s Bounty Village, Camalig, Albay.
Ito ay pangungunahan ng Provincial Tourism, Culture and Arts Office (PTCAO) at Albay Provincial Agricultural Office (APAO).
Layunin nito na mas palawakin ang kasanayan ng mga miyembro ng Albay Tourism Advisory Council (ALTAC) at Local Government Units (LGUs) patungkol sa sustainable tourism practices.
Ito ay bahagi ng selebrasyon ng World Tourism Day 2024 na may temang “Tourism and Peace”, na naglalayong isulong ang turismo sa iba’t ibang panig ng bansa.