Street Journal Multimedia Services

PRISAA MEET 2025 nagsimula na sa Cagayan

By Gelo Maguddayao

 

Nagpaabot ng mainit na pagtanggap at pagbati si Gob. Manuel N. Mamba sa lahat ng mga atleta at iba pang bisita na kasama Private Schools Athletic Association (PRISAA) Meet 2025.

Ito ay kasabay ng grand opening ng PRISAA 2025 noong Sabado, Abril 5 sa Cagayan Sports Complex, Tuguegarao City.

Sa naging mensahe ni Mamba, ipinunto nito ang kahalagahan ng pagbubuklod, pagkakaisa, at disiplina upang maipanalo ang kompetisyon at makamit ang karangalang hinahangad para sa bayan.

“Napakaimportante po ang pagkakaisa, napakaimportante po ang pagbubuklod-buklod, at nakapaimportante po ang kompetisyon, at the end of the day we compete for what is best for our people, what is best for our children, and what is best for the future of our land, for our province and of course our country,” pahayag ni Gob. Mamba.

Aniya, matagal na panahon ang inilaan ng pamunuaan ng PRISAA katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao upang maisakatuparan ang tagumpay ng palaro.

Gayonman, umaasa si Gob. Mamba na magiging makabuluhan ang pamamalagi ng mga atleta at mga bisita sa Tuguegarao City hanggang sa matapos ang kompetisyon.

Samantala, hinimok naman ni Dr. Esther Susan Perez-Mari ang lahat ng delegasyon na pagbutihin ang kanilang pakikipagkompetisyon sa mga kapwa manlalaro sa pamamagitan ng pagsasakatuparan sa tunay na diwa ng isports.

Aniya, hindi siya makapaniwala na ngayon ay tuluyan ng maisasakatuparan ang pangarap ng kanyang ama na si dating UCV President Dr. Victor Perez at ni Gob. Mamba na maidaos ang makasaysayang PRISAA Meet 2025 sa lalawigan.

“The fact that this event was cancelled three times, yet we kept on trying. This is a testament to the resilience and persistece, both of which are values that an athlete needs to have in order to succeed. After a lot of hard work, we are finally here and I firmly believe that the preparations for this national game was a unifying factor for many,” pahayag nito.

Samantala, naging panahuhing pandangal naman sa naturang palaro sina Sen. Imee Marcos at Sen. Christopher “Bong” Go bilang Chairman ng Committee on Sports and Youth kung saan nangako ito na susuportahan ang lahat ng mga manlalarong pinoy sa bansa at mas pagtitibayin ang pagsusulong ng mga batas at programang tutugon sa pangangailangan ng mga manlalaro para mas makilala pa ang bansa sa iba’t ibang larangan at entablado ng palakasan sa buong mundo.

Dumalo rin sa pagbubukas ng PRISAA 2025 si Tuguegarao City Mayor Maila Ting-Que, mga opisyal ng National PRISAA Board of Trustees, mga Regional PRISAA Presidents, mga department, at unit heads ng LGU, at iba pa.

Magtatagal ang PRISAA Meet 2025 hanggang sa darating na Biyernes, Abril 11, 2025.

 

 

 

Scroll to Top