Street Journal Multimedia Services

Pride of Cagayan Valley Region

Isang bagong pangalan ang sumikat sa larangan ng pampalakasan matapos makamit ng Team Kata mula sa Cagayan Province ang gintong medalya sa National PRISAA 2025.

Isinagawa ang paligsahan sa SM City Tuguegarao kung saan nagtagisan ng galing ang mga piling atleta mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Sa ilalim ng Karatedo ( Senior Division ), buong galing na ipinamalas sina Jay-mar Calagui, Christian Elizar Toledo at Amos Jian Mariano, ang kanilang husay at disiplina upang makamit ang pinakamataas na parangal.

Buong pusong ipinagmamalaki ng buong Cagayan Valley ang kanyang tagumpay na nagsilbing inspirasyon sa kapwa kabataan ng rehiyon.

Ang panalong ito ay hindi lamang tagumpay ng Team Kata, kundi pati na rin ng buong lalawigan ng Cagayan at ng buong Cagayan Valley region sa larangan ng pampalakasan.(Region Cagayan Valley Nationwide post)

 

 

Scroll to Top