LA UNION – Tiniyak ni Governor Mario Ortega na disaster-ready ang lahat ng mga hospital ng pamahalaang panlalawigan base sa nakaraang Emergency Readiness Assessment ng Provincial Health Office (PHO) sa lahat ng Primary Care Facilities (PCFs) at Provincial Government-Operated Hospitals sa lalawigan ng La Union.
Ayon kay Ortega, ang mga hakbang na ito ay alinsunod sa Provincial Executive Order No. 27, s. 2026, na naglalayong paigtingin ang emergency preparedness at response capacity ng lalawigan sa panahon ng disaster.
Sa pangunguna ng PHO – Disaster Risk Reduction and Management in Health (DRRM-H) Core Team Members, katuwang ang Facility-level DRRM-H Managers at mga focal person ng PGLU-operated hospitals, masusing sinuri ang emergency preparedness at response capacity ng bawat pasilidad upang matukoy ang mga possibleng gaps sa supplies, equipment, systems at workforce capacity.
Gamit ang DOH-aligned Emergency Readiness Checklist, makakapag-generate ang mga focal persons ng evidence-based data para sa planning, procurement, at corrective action ng mga facilities, alinsunod sa Universal Health Care (UHC), DOH-Health Emergency and Disaster Risk Management (DOH-HEDRM), at provincial health system policies and frameworks ng lalawigan.
Ang mga nakalap na rating at komprehensibong gap analyses ay magsisilbing batayan para sa epektibong pagpaplano, paglalaan ng badyet, at pagpapatupad ng mga corrective action.
Sa pamamagitan ng mga rekomendasyong ito, nilalayon ng PHO na gabayan ang mga local government unit tungo sa agarang pagpapabuti at pangmatagalang katatagan para sa taong 2026–2028.