Street Journal Multimedia Services

PBBM, pinangunahan ang inagurasyon, inspeksyon sa mga major projects sa Cagayan

CAGAYAN, Philippines — Bumisita ngayong umaga, Oktubre 14 si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, sa lalawigan ng Cagayan para buksan at inspeksyunin ang ilang malalaking projects para sa traffic mobility at flood control and irrigation.

Unang pinuntahan ng Pangulo ang bayan ng Claveria upang pormal na buksan ang Union Water Impounding Dam na ginawa ng National Irrigation Administration (NIA) at DPWH upang ma-address ang pagbaha at makatulong sa irigasyon sa lugar.

“Itong Union Water Impounding Dam is an example of how flood control projects should be. Isa ito sa mga balak natin ireplicate sa ibang lugar na nangangailangan ng flood control solution na pwede ring mag-function as a dam,” ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon.

Nasa 1,050-hectare na farmland ang masusuplayan ng bagong dam.

Sumunod nito, ininspeksyon din ng Pangulo ang long-span bridge sa Cagayan River na siyang magdudugtong sa mga bayan ng Calamaniugan at Aparri.

“Kabilin-bilinan ng Pangulo natin na gawing mas maayos at mabilis ang mobility ng ating mga kababayan at ang kabuhayan sa Cagayan Region. Kaya pinapamadali na natin ang pagtatayo nitong 1.58-kilometer Calamaniugan Bridge para maging mas mabilis na ang biyahe ng mga motorista pati na rin ang mga goods and services papunta sa northeastern at northwestern parts ng Cagayan,” sabi ni Secretary Dizon.

Scroll to Top