Street Journal Multimedia Services

Pagpasok 6-km danger zone ng Bulkang Mayon, ipinagbawal

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Mahigpit na ipinagbabawal ng Albay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) – Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) ang pagpasok sa six-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ).

Ayon sa PDRRMC-APSEMO Advisory No. 2026-1 na nilagdaan ni PDRRMC Chairperson at Albay Governor Noel Ebriega Rosal, pinagbabawal ang anumang human activity sa loob ng PDZ katulad ng mountain climbing, orchid picking, vegetable harvesting, at iba pa.

Ito ay matapos na opisyal na itaas ng Philippine Institute of Vulcanology and Seismology (PHILVOCS-DOST) ang alert level status ng bulkang Mayon mula sa Alert Level 1 (Low Level Unrest) patungong Alert Level 2 (Increasing/Moderate Level of Unrest).

Sa opisyal na pahayag ng PHIVOLCS, tumataas ang bilang ng naitatalang rockfall events mula Nobyembre 2025 na umabot sa kabuuang 599.

Mayroon ring 47 rockfall events na naitala kahapon, noong Disyembre 31, 2025.

Kaugnay nito, mahigpit ring ipinapatupad ang ‘no fly zone’ sa ibabaw ng Mayon.

Limitado naman ang operasyon ng ATV rides sa Cagsawa Ruins, at pansamantala ring suspendido ang pagpasok sa Mayon Skyline.

Itinaas na rin ang preparedness, at monitoring status, at ipinag-utos ang heightened alert sa mga City at Municipal DRRMs. (CMDacoro, Albay PIO)

 

 

 

 

Scroll to Top