By Badz Heralde- CPIO
RIZAL, Cgayan — Sinira at sinunog ng pinagsanib-pwersa ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 02 ang 100,000 na puno ng fully grown marijuana sa Sitio Ulima Barangay San Juan sa bayan ng Rizal sa isinagawang anti-illegal drug operation,noong Setyembre 28.
Sa ulat mula kay Col Mardito Anguluan, hepe ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon kaugna sa taniman ng marijuana sa lugar.
Agad na nakipag-ugnayan ang CPPO sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 02 at ikinasa ang operasyon.
Sa isinagawang operasyon, tumambad sa mga otoridad ang marijuana plantation, kung saan dito nakita ang mga fully grown marijuana. Binunot at sinunog ang nasa 100,000 na puno ng marijuana na nagkakahalaga ng P20,000,000 milyon.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang cultivator ng nasabing plantation. Nakasama rin sa operasyon ang Bravo Coy ng Philippine Army, 202nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 2, at Coast Guard Intelligence Unit-West Cagayan.
Matatandaan na isa ang kampanya kontra iligal na droga ang pinapatutukan ni Gov. Manuel Mamba sa mga miyembro ng Provincial Anti-Drug Abuse Counciil sa lalawigan ng Cagayan.