Street Journal Multimedia Services

P163.6-M inisyal na pinsala ni Emong sa La Union

SAN FERNANDO CITY,La Union — Nasa inisyal na P163,610,240.00 ang naging pinsala sa inprastraktura,agrikultura at livestocks,matapos hagupitin ni Emong ang lalawigan ng La Union.

Sa tindi ng pinsala at danyos, inilagay ni Governor Mario Ortega ang lalawigan sa State of Calamity.

Sa ipinalabas na Situational Report,noong Hulyo 28, tinatayang nasa 36,076 pamilya, na kinabibilangan ng 107,097, indibidwal mula 271 barangay ang apektao ng bagyo,samantalang 25 kabahayan ang nasira at 335 ang bahagyang nasira.

Ilan pa din sa mga bayan ang walang derbisyo ng kuryente na ngayon ay patuloy ns inaayos.

Samsnta, nakiisa midmo si Special Assistant to the Governor Marc Cristopher Ortega sa clearing operations sa San Juan at Sandra Gabriel.

Sa operasyon na ito, inalis nila ang mga punong bumagsak sa mga provincial at national roads upang masiguro ang kaligtasan at maibalik ang maayos na daloy ng trapiko.

Scroll to Top