BAGUIO CITY – Sa pagbubukas ng filing of candidacy na ginaganap sa Baguio Convention and Cultural Center, ay unang nagsumite ng Certificate of Candidacy si Atty. Nicasio ‘Nick’ Aliping Jr, dating kinatawan ng Lone District ng Baguio sa 16th Congress,noong Oktubre 1, para ipakita ang kanyang hangarin na muling makapag-serbisyo sa siyudad ng Baguio.
Matatandaan noong Setyembre 14, ay nagsagawa ng konsultasyon si Aliping sa mga multi-sectoral na grupo at mga supporters at dito ay mapagpakumbabang ipinahayag ang kanyang intensyon na muling pagkandidato.
Si Aliping, ay naging isang biktima ng ‘black propaganda’ sa huling dalawang botohan, ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa mga residente ng lungsod sa kanilang naging suporta noong nahalal siya bilang tatlong-termer na konsehal ng lungsod, at No. 1 sa kanyang huling termino, hanggang maging kinatawan sa 16th Congress.
Pinawalang-sala ng mga korte si Aliping kaugnay ng isyu sa umano’y ‘tree cutting’ na mga kasong isinampa laban sa kanya.
Kapansin-pansin sa konsultasyon, personal na kinilala ni Aliping ang hindi mabilang na mga gawa ng dating kongresista na si Mauricio Domogan, at kung ano ang naging lungsod, at ang kanyang mga kontribusyon sa Cordillera at sa buong bansa sa panahon ng huling tungkulin sa Kongreso.
Si Aliping, na masigla at makatotohanan, ay umapela kay Domogan na bigyan ng pagkakataon ang iba pang nais na maglingkod sa Baguio.
Napagmasdan ng mga politikal na eksperto na ang isang ‘endorsement’ mula sa Domogan ay maaaring magbigay sa isang kandidato ng isang kagalang-galang na pakikipaglaban para sa isang posisyon sa pulitika.
Sa ngayon, sinabi ni Aliping na hindi siya miyembro ng alinmang political party, ngunit bukas daw siya sa ideya na magkaroon ng partido o patibayin ang isang pulitikal.