Street Journal Multimedia Services

Medical experts ng Pangasinan, nagpalawig ng kaalaman sa pangkalusugan sa Stanford Hospital

LALAWIGAN NG PANGASINAN– Nakipag-ugnayan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan, kasama ang mga executive ng ospital at mga ekspertong medikal sa iba’t ibang bayan sa buong lalawigan para sa benchmarking sa Stanford Hospital, California, United States of America, upang palawakin pa ang kanilang kaalaman sa larangan ng pangkalusugan.

Sa dalawang-araw na isinagawang benchmarking ng mga delegado ng bihasang medical representative ng Pangasinan at naging makabuluhan ang mga talakayang pang-edukasyon sa Urban Planning Council ng Daly City, California, na nagsimula noong Nobyembre 7.

Ayon kay Pangasinan Governor Ramon Guico III, prgrama ng kanyang administration na humanap ng mga paraan para mas lalo pang mapabutI ang mga programang pangkalusugan sa buong lalawigan.

Aniya, ang benchmarking ay inorganisa ng United Pangasinanes sa America, Inc, na kung saan ay isang opisyal na pagpupulong ang isinagawa sa pagitan ng mga pinuno ng Stanford Hospital at ng Urban planning Council ng Daly City, na pinanngunahan ni Pangasinan Provincial Administrator Melecio F. Patague III.

Ayon kay Patague, ang pagbisita ay bahagi ng programa ng Pangasinan na magtatag ng internasyonal na pakikipagtulungan sa mga kaibigan sa ibayong dagat.

Pangarap aniya nilang makatrabaho balang araw kasama ang mga internasyonal na katuwang sa pagpapabuti ng mga programa at serbisyong pangkalusugan na makabuluhang makikinabang sa mga taga-Pangasinan.

Matapos makipagpulong sa mga opisyal ng Stanford, ang grupo ay binigyan ng paglilibot sa ospital bago magpatuloy upang makipagkita sa mga opisyal ng Daly City. By Zaldy Comanda

Scroll to Top