Street Journal Multimedia Services

Mayor Alcala naglahad ng SOCA 2026

By Danny Estacio

LUCENA CITY, Quezon- Inilahad ni City Mayor Mark Alcala sa kanyang 2026 State of the City Address (SOCA) ang mga nagawa, tuloy-tuloy na programa at mga plano ng pamahalaang lungsod para sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng kaniyang residente, noong Oktubre 26.

Ang SOCA ginawa sa ika-63 regular session ng 20th Sangguniang Panlungsod na pinangunahan ni Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Tinalakay ng Alkalde sa kaniyang ulat ang mga programa at serbisyong nakatuon sa kalusugan, edukasyon, serbisyong panlipunan at pagsuporta sa kabataan, gayundin ang mga hakbang upang mapahusay ang serbisyo publiko at matugunan ang pangangailangan ng mga pamilya, mag-aaral at iba’t ibang sektor ng lungsod.

Ibinahagi ng punong lungsod ang mga hakbang para sa pabahay, imprastraktura, kaligtasan ng publiko, kahandaan sa sakuna at pagtugon sa mga hamong pangkabuhayan.

Gayundin, ipinahayag din niya ang mga pagsisikap na palakasin ang lokal na ekonomiya, suportahan ang mga manggagawa at maliliit na negosyo at isulong ang digitalization at makabagong pamamahala.

Sa huli, binigyang-diin ni Mayor Alcala na ang tunay na pag-unlad ay hindi lamang nasusukat sa mga numero at tagumpay, kundi sa mga pagbabagong nararamdaman ng bawat mamamayan.

 

 

Scroll to Top