Street Journal Multimedia Services

Luzon-wide development pinaigting sa La Union

SANFERNANDO CITY, La Union — Sa pamumuno ni Regional Development Council 1 (RDC) Chairperson at La Union Governor Mario Eduardo C. Ortega, mas pinaigting pa ang pagkakaisa at kooperasyon ng bawat rehiyon matapos ang matagumpay na pagpupulong ng RDC – Luzon Area Committee (LAC) na ginanap kamakailan sa Thunderbird Resorts, Poro Point, City of San Fernando, La Union.

Kasama ang mga regional directors ng bansa, local government officials, Provincial Government of La Union (PGLU), Department of Energy (DOE), Department of Economy, Planning and Development (DepDev) at private sector representatives, tinalakay ang mga estratehikong plano at mahahalagang hakbang ukol sa mga posibleng concerns at issues na maaaring maging hadlang sa pag-usad ng mga lokal na proyekto, partikular na ang mga may kinalaman sa imprastraktura, energy, budget, at turismo.

Sa kanyang mensahe, ipinaliwanag ni Gov. Mario Ortega ang kahalagahan ng council at ng naganap na pagtitipon. Iginiit niya na ang tunay na pag-unlad ay makakamit dahil sa pagkakaisa ng bawat lider.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng gobyerno at ng pribadong sektor, mas mapapabilis ang paghatid ng mga serbisyong nararapat para sa pag-unlad ng bawat rehiyon at ng buong Luzon.

Nakatakda na gaganapin ang susunod na pagpupulong sa Nobyembre ngayong taon upang talakayin ang mga karagdagang usapin, mga susunod na estratehiya, at mga updates hinggil sa estado ng mga nasabing proyekto.

Scroll to Top