LINGAYEN,Pangasinan — Magtutulungan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan at Maxwell Leadership Foundation (MLF) para sa leadership enhancement at values formation ng mga empleyado.
Ang Maxwell Leadership Foundation ay isang nonprofit organization na humuhubog ng mga magagaling na lider.
Naka-focus ng isasagawang programa ay kaugnay sa personal growth, leadership excellence at faith-driven transformation.
Kaugnay nito, personal na nakipagpulong ang Vice President ng Global Programs ng Maxwell Leadership Foundation na si John Griffin kasama sina Pastor Emmanuel Manansala ng LIV Ministries at Dr. Raymond Patrick V. Guico ng World Citi Colleges (WCC) and WCC Aeronautical & Technological College (WCC ATC) kay Gov. Ramon V. Guico III.
Ang isasagawang leadership enchancement program ay patunay ng malalim na pagpapahalaga ni Gov. Guico sa pagpapabuti ng kakayahan ng lahat ng mga empleado para sa mas maasyos na serbisyo ng Pamahalaang Panlalawigan. (Edel Eira Gorospe, Krizia Mamaril| PIMRO)