Street Journal Multimedia Services

Hike para sa Kalikasan

 

Maagang umakyat sina Gov. Mujiv Hataman sa Sampinit Peak noong nakaraang Sabado kasama ang local mountaineers at mga tauhan ng security sector para silipin ang kalagayan ng kagubatan at makita nang personal kung saan dapat higpitan ang proteksyon ng ating mga punò at watershed.

Pagbaba, nagtipon sa Sampinit Complex ang provincial team kasama ang PENRO at OPAG, mga lider ng barangay at iba pang sektor para sa SAGIP Kalikasan BASILANatin stakeholders meeting.

Pinag-usapan ang puso ng programa: proteksyon sa gubat, pagpigil at pagpapaliit ng pagputol ng mga punò, at pagbuo ng forest-friendly livelihood para sa komunidad tulad ng agroforestry, tree nurseries, eco-tour guiding at iba pang hanapbuhay na kayang sabayan ang pangangalaga sa kalikasan.

Nagkasundo ang lahat sa iisang direksyon at kongkretong commitments para sa mas matatag na kagubatan at mas ligtas na mga pamayanan.

 

 

Scroll to Top