Bukod sa pagsasaayos ng mga pasilidad at modernisasyon ng kagamitan sa bawat ospital, pinaigting ni Governor Doktora Helen Tan ang implementasyon ng No Balance Billing at No Out-of-Pocket Policy sa mga pampublikong ospital sa Quezon.
Ayon kay Tan, hangad niya na ang bawat Quezonian na nangangailangan ng serbisyong medikal ay hindi na mag-alala pa sa mga gastusin, bagkus, ay malunasan ang karamdaman at magkaroon ng panibagong pag-asa.
“Ang ating muling pagkaluklok sa kapitolyo ay hindi nangangahulugan na tayo ay mauupo lamang, sa halip, mas pinipili nating tumindig at manindigan sa ating sinumpaang tungkulin na maghatid ng Serbisyong Tunay At Natural sa minamahal na lalawigan.”
“Malayo na ang narating natin at malayo pa ang ating mararating. Harapin natin ang susunod na mga taon na may matibay na pagkakaisa at pagtutulungan. Pagtibayin natin ang balikatan para sa maunlad at asensadong lalawigan,”mga pahayag ni Governor Tan sa kaniyang talumpati sa Inagurasyon at Ulat sa Lalawigan 2025 noong Hunyo 30, 2025.
I remain committed to being an instrument in HEALING QUEZON- Gov.Tan.


