Street Journal Multimedia Services

Gov.Aragones, hangad ang mas mabilis na proseso ng medical,burial assistance

LAGUNA, Philippines — Ipinag-utos ni Laguna Governor Sol Aragones ang agarang pagsasaayos ng proseso para sa pagbibigay ng medical at burial assistance sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWD).

Layunin nito na mas mapabilis at mas maging accessible ang serbisyong panlipunan para sa mga nangangailangan, lalo na ang mga pamilyang dumadaan sa krisis o biglaang pangangailangang medikal at pinansyal.

Sa hakbang na ito, tiniyak ni Gov. Sol ang mas maayos, mabilis, at episyenteng serbisyo para sa mga kababayan sa buong lalawigan ng Laguna. (San Pablo City Updates)

 

Scroll to Top