LUCENA CITY – “Naniniwala ako na ang kagalingan ng kababaihan ay kagalingan ng pamilyang Pilipino”
Ito ang inihayag ni Governor Doktora Helen Tan sa ginanap na “GAWAD PARANGAL Para sa mga Programa sa Responsableng Pagpapamilya” na ginanap sa Queen Margarette Hotel, Lucena City. noong Agosto 30.
Binigyang-diin ng gobernadora ang kahalagahan na mabigyan ng sapat na kamalayan at pangangalaga ang mga nanay ukol sa kanilang kalusugan sapagkat sila ang magsisilbing pangunahing pundasyon para sa malusog at maayos na pagpapamilya.
“Patuloy nating itaas ang kahalagahan ng serbisyong pangkalusugan para sa bawat ina at sanggol. Dahil ang kagalingan ng kababaihan ay kagalingan ng pamilyang Pilipino.
Kaya naman, patuloy nating hamon ay ang zero maternal and infant mortality sa buong lalawigan. Walang maiiwan, kailangan nating patuloy na ilapit sa bawat Quezonian ang serbisyong pangkalusugan,” pahayag ni Gob.Tan.
Kinilala naman at ginawaran sa ginanap na programa ang mga kawaning nagpakita ng husay at dedikasyon sa pagpapatupad ng dekalidad na mga serbisyong pangkalusugan.
Pinasalamatan din ni Governor Tan ang bawat isa sa mga dumalo sa patuloy nilang paghahatid mga angkop na tugon sa mga nangangailangan Quezonian.
Samantala, pinangunahan ang nasabing programa ng Provincial Health Office (PHO) na pinamumunuan ni Dr. Kristin Mae-Jean Villaseñor. (By Quezon PIO)