Daan-daaang fruit bearing trees ang itinanim sa Cayanga Eco Park sa Bugallon Pangasinan.
Ito ay sa ilalim pa rin ng Green Canopy Program, isa sa mga prayoridad na programa ni Governor Ramon Guico III.
Sanib-puwersa sa pagtanim ang 250 kawani mula sa iba’t ibang departamento, opisina at ospital ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Provincial Administrator Melicio Patague II.
Kabilang sa mga itinanim ay punla ng kalamansi, bugnay, pine tree, fire tree, at narra.
Ayon kay PA Patague, mahalaga ang pagtatanim ng puno sa pagpapaigting ng kahandaan at katatagan ng lalawigan sa harap ng mga sakuna, lalo na sa gitna ng climate change.
Ang aktibidad ay isinabay na rin sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month ngayong Hulyo.
Nais ni Governor Guico na gawing tourist attraction at sentro ng edukasiyon hinggil sa pangangalaga sa kalikasan ang Cayanga Eco Park. (Rich Majin, JP De Vera)


