Street Journal Multimedia Services

First Lady Maan Guico, PSWD0 namahagi ng learning materials sa Center for Child Development ng Urdaneta City

URDANETA CITY — Pinangunahan ni First lady Maan Guico ang pamamahagi ng mga artwork sa Urdaneta 1 Central School, na labis ikinasaya ng mga tsikiting at mga magulang.

Kasama si BM Chinky Tababa, nagsagawa sila ng storytelling kaugnay sa pagmamahal at malasakit ng isang kaibigan.

Bukod sa storytelling at pamimigay ng mga artwork, ang provincial social welfare and development office ay nagsagawa ng feeding program.

Namahagi rin sila ng mga artbook, at manipulative toys sa lima pang Center for Child development o’ CCD ng Urdaneta.

Bukod sa mga magulang at mga mag-aaral, labis din ang pasasalamat ng mga guro.

Umabot sa 328 na mga mag-aaral ng CCD Poblacion Urdaneta ang nabiyayaan ng mga learning tools.

Nakibahagi rin sa programa sina BM Jan Louie Sison, 5th District Consultant Isong Basco, Pangasinan Provincial Library staff at mga barangay official.

Scroll to Top