Street Journal Multimedia Services

FIRST HOLY COMMUNION

 

Mahigit sa 100 bata mula sa iba’t ibang barangay na nasasakupan ng Parokya ng Ina ng Laging Saklolo sa Aringin,Moncada,Tarlac, ang tumanggap ng Unang Banal (First Communion), noong Hulyo 26,2024.

Karamihan sa mga batang Katoliko ay tumatanggap ng kanilang Unang Banal na Komunyon kapag sila ay 7 o 8 taong gulang, dahil ito ay itinuturing na edad ng pangangatuwiran.

Sila’y inihanda at tinuruan ng mga katekista at Ang Banal na Misa ay idinaos sa pangunguna ni Kura Paroko, Reb. Padre Alvin S. Ramos.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Ministeryo ng Kabataan at ng Committee on Education.Ang Unang Banal na Komunyon ay itinuturing na isa sa pinakabanal at pinakamahalagang okasyon sa buhay ng isang taong Romano Katoliko. Ito ang unang pagkakataon na ang isang tao ay tumanggap ng Sakramento ng Banal na Eukaristiya, na kung saan ay ang pagkain ng banal na tinapay at pag-inom ng banal na alak.

 

 

Scroll to Top