Street Journal Multimedia Services

Filing ng CoC’s at CONA, mapayapa sa Quezon

Iniulat ng Quezon Police Provincial Office, sa pamumuno ni Col.Ledon Monte ang mapayanag paghahain ng Cerificate of Candidate at Certificates of Nomination and Acceptance (CONA) ng mga kandidato at ipinabot din niya ang kanyang pasasalamat sa ipinakitang kahandaan ng kapulisan sa naganap na filing, noong October 1 to 8, 2024.

Batay sa datus ng Provincial Operations Management Office (POMU), walang naitalang insidente na nakaapekto sa mapayapang pagpafile ng nasa 1,037 aspiring candidates sa buong lalawigan ng Quezon.

“Sa ngayon, patuloy pa rin ang ating pagbabantay para sa kaligtasan ng ating mga kandidato. Nakahanda rin tayo kung kailangan nila ng police assistance.”pahayag ni Monte.

Base sa datos ng POMU, apat ang nagfile para sa pagka Governor, lima para sa Vice-Governor, lima para sa Congressman, 18 Board Members, 105 Mayors, 87 Vice-Mayors, at 813 Councilors.( Quezon PNP PIO)

 

 

Scroll to Top